Korean Fried Chicken (Bonchon Style)

Korean Fried Chicken

(Bonchon Style)


This image was originally posted to Flickr by joyosity 


Ang Bon Chon Style Soy Garlic Chicken ay isa sa pinakamasarap na luto ng pritong manok. Ang mga chicken wings ay dalawang beses ipiniprito upang mas maging malutong at saka ihahalo sa madikit na soy garlic glaze. Talagang masarap!

Nais mo bang i-upgrade ang iyong food cart sa pamamagitan ng paghahain ng Korean fried chicken? Narito na ang hinahanap mo! Ito ang secret recipe na siguradong bibilhin at aaraw-arawin ng iyong mga customer.


SANGKAP:

Curing + Marinating

1kg (1000g) chicken wings

2g Curing salt / Prague powder (pink salt)

5g Accord phosphate

50g ascorbic acid powder

10g RC (ordinary MSG – mixed msg and refined salt)

3g dinurog na paminta

65g malamig na tubig


Para sa Soy Garlic Glaze
10g onion powder
40g garlic powder
125ml light soy sauce (Kikoman)
62.5ml mirin
32g brown sugar
3g cornstarch (for slurry)
20g luya, binalatan at niyadyad

Para sa garnish

8 – 10g tustadong sesame seeds (for 1kg)


Resulta: maliit na sukat = 15 piraso, katamtamang sukat = 12 piraso, malaking sukat = 10 piraso

PAMAMARAAN:
1. Hugasan ang manok at patuyuin.

2. Sa isang malaking mangkok, ibabad ang manok sa curing ingredients (malamig na tubig, curing salt, accord phosphate, ascorbic acid powder) sa loob ng 5 minuto.

3. Itabi at i-marinate nang hindi bababa sa 30 minuto hanggang isang oras at huwag ilagay sa loob ng freezer.

4. Sa isang kawali, mag-init ng mantika at i-deep fry ang chicken kada batch hanggang maluto nang maigi. Ilipat sa isang plato na may paper towels upang matanggal ang mantika.

5. Itabi ang mantika sa kawali para sa pangalawang pagprito. Palamigin muna ang manok at patuluin ang mantika. Itabi.

6. PARA SA SOY GARLIC GLAZE: Sa ibang kawali, paghaluin ang sibuyas, bawang, toyo, mirin, brown sugar, garlic powder at luya. Lutuin sa mahina hanggang katamtamang apoy at patuloy na haluin hanggang matunaw ang asukal.

7. Sa isang maliit na mangkok, ilagay ang cornstarch at 3 kutsara ng soy-garlic mixture. Haluin ito nang maigi. Idagdag muli sa kawali at haluin hanggang lumapot ang sauce.

8. MULING IPRITO ANG MANOK: Painiting muli ang mantika at mabilis na ipritong muli ang manok sa mainit na mainit na mantika. Ito ay para maging malutong ang manok tulad ng manok sa Bon Chon.

9. Salain ang mantika at ilipat sa platong may paper towels. Sa isang malaking lalagyan na may takip, ilipat ang lahat ng chicken wings at glaze. Takpan ang lalagyan at haluin mabuti upang pantay ang pagkalat ng glaze. 

10. Magbudbod ng tustadong sesame seeds sa paghain. Maaari ring idagdag ito sa iyong Korean street food cart at ibenta sa halagang 30 – 32 pesos bawat isa.




 

Comments