Chicken Tocino

Chicken Tocino



Isang masarap na chicken tocino na babalik-balikan ng iyong mga customer. Isang perpektong pagkain para idagdag sa iyong Tapsihan / Café o Fast food business!


SANGKAP:

Curing

1kg Boneless na manok, walang balat

10g refined salt

250ml pineapple juice

2g Curing salt o Prague powder

50mg Ascorbic acid (Tablet)


Seasoning

62.5ml Banana Ketchup

125g asukal

20g MSG

15g garlic powder

30g mantika


Resulat: 50g kada serving (makakagawa ng 20 servings)

Shelf life: Magandang makain o magamit bago mag-6 na buwan (Panatilihing frozen)


PAMAMARAAN:


  1. Hiwain ang karne na may kapal na 0.63cm (1/4 pulgada).

  2. Haluin ang lahat ng sangkap para sa curing.

  3. Ipahid ang mixture sa magkabilang gilid ng mga hiwa at haluing muli ito upang mas maikalat nang pantay ang curing mixture.

  4. Ayusin ang mga piraso sa isang mangkok at takpan.

  5. Itago sa room temperature sa loob ng 12 oras o sa refrigerator sa loob ng 3 days para ma-cure (ang mga hiwa ay maaaring patuyuin sa ilalim ng araw pagkatapos i-cure upang mapatagal ang shelf life nito.)

  6. Kung mayroon kang tapsihan o café, maaari mo itong ihain kasama ng Sunny Side up na itlog at garlic fried rice.

Comments